Rosales, Tasha Daniella D. 10 - Saint Rita
PERFOMANCE TASK SA FILIPINO 10
Pang-aabuso Sa Mga Kababaihan
Marami-rami ang isyung makikita natin sa nobelang Noli Me Tangere, at isa roon ay ang pag-aabuso sa mga kababaihan na makikita rin natin sa bidyung ipinasa namin ng aking mga kagrupo noong ikalawang markahan. Maraming parte sa nobela isinaad ni Rizal ang iba't ibang halimbawa ng pang-aabuso na nararanasan ng mga kababaihan sa kamay ng kanilang mga asawa at mga pare noong panahon na iyon. Isang halimbawa ay si Sisa. Siya ay biktima ng pananakit mula sa kanyang asawa na walang ginawa kundi magsugal, magpagala-gala sa lansangan. Ito rin ay tamad at iresponsableng asawa at tatay sa mga anak nito.
Si Maria Clara rin ay isang biktima ng siyay hinalay naman ni Padre Salvi sa kumbento ng Santa Clara. May dalawang kababaihan din sa kuwento ang hindi nakaligtas dito. Ang mag-inang sina Pia Alba at Maria Clara ay parehong nakaranas ng panghahalay mula sa mga pare. Hinalay ni Padre Damaso si Pia Alba na kalaunan ay nagbunga, ito ay si Maria Clara.
Ang Batas Republika 9262 o kilala sa tawag na Anti-Violence Against Women and their children (VAWC) Act of 2004 ay nagpapaliwanag ng mga batas tungkol sa pang-aabusong pisikal, sekswal, sikolohikal at ekonomikal. Ang batas na ito ay makatutulong upang tuluyan ng tuldukan ang pang-aabuso sa mga kababaihan. Ang pag-alam sa karapatan ng mga kababaihan ay lubhang makatutulong upang makaiwas sa kahit anong uri ng pang-aabuso. Sa tulong ng edukasyon at iba’t ibang sangay napapalaganap ang mga impormasyon tungkol sa karapatang pangkababaihan. Bilang isang mabuting mamamayan responsibilidad natin na palaganapin ang katarungan sa tulong ng mga batas at pagsunod sa mga isinasaad dito.
No comments:
Post a Comment