Wednesday, March 4, 2020

PAG AABUSO SA KAPWA TAO


     Ang pang-aabuso ay pananakit sa isang tao upang pwersahin siyang gawin ang mga bagay na hindi gusto ng kapwa. Ikaw ay inaabuso lapag sinaktan ka ng ibang tao o trinato ka niya ng hindi mabuti. Ang pang-aabuso ay maaaring pisikal, sekswal, emosyonal, sikolohikal o pinansiyal. Maaaring dumaranas ka ng higit pa sa isang uri ng pang-aabuso. Karaniwan, ang nang-aabuso ay isang asawa, dating asawa, kapareha o dating kapareha. Minsan, ang nang aabuso ay isang myembro ng iyong pamilya o ang pamilya ng iyong asawa o kapareha. Ang nang-aabuso ay maaring lalaki o babae. Ang mga  halimbawa ng pisikal na pang-aabuso ay: pambubugbog, pangungurot, pananampal, at panuntok. Iba pang halimbawa ay: panuntok, paninipa, panununog, pamamaril, at pananaksak.


     Sa nobelang Noli Me Tangere, maipapakita sa kabanata 39 kung paano inaabuso si Sisa ni Donya Consolacion. Dito isinalaysay ang pag kuha ni Donya ng latigo sa Alperes at inutos na pakantahin si Sisa. Inutos din niya si Sisa na magbaile o sumayaw. Ito ay hindi nasunod ni Sisa sapagat nalilito ito dahil sa pangangastila ng Donya kaya't itoy nagdudulot ng pagkagalit ni Donya Consolacion. Ipinalo niya si Sisa sa binti at paa at siyay nabuwal. Ang manipis na damit ni Sisa ay nagisi kasabay ng paglabaw ng dugo mula sa nabakbak na sugat. Nasisiyahan ang Donya sa gayoong tanawin. Ang kanyang galit ay naibunton niya kay Sisa. Nadatnan ng Alperes ang Donya habang nilalatigo si Sisa. Pinatigil ito ng Alperes at ipinagamot si Sisa.

Image result for pang aabuso ni Donya Consolacion kay Sisa

     Ang pang-aabuso ay hindi pribadong usapin kundi isang krimen. Ito ay paglabag sa karapatang pantao ng babae. Sa tulong ng pamilya at komounidad, maaaring makawala ang isang mula sa mapang-aping na relasyon. Ang pag-alam sa karapatan ng bawat tao ay lubhang makatutulong upang makaiwas sa kahit anong uri ng pang-aabuso. Sa tulong ng edukasyon at iba’t ibang sangay napapalaganap ang mga impormasyon tungkol sa karapatan ng mga tao. Bilang isang mabuting mamamayan responsibilidad mo na palaganapin ang katarungan sa tulong ng mga batas at pagsunod sa mga isinasaad dito. Kung biktima ka ng pang-aabuso, humingi ka ng tulong. Makipag-usap ka.

No comments:

Post a Comment